Monday, January 12, 2009

For Sharty ^^,


I don't know why

but in the very first day

that i see your beautiful brown eyes

there's something inside me

that feels so surprise

i can't hide my feelings

you know that i can't survive

knowing that your not here beside me

your always on my mind

my heart screams your name

even in my dreams your there

i've waited for lifetime for this moment

to come you know that i won't let go

cause i know that your the one...

Pagpapatuloy sa Pagpapakilala sa aking Sarili


Hindi ko ginawa ang blogsite na ito para sa walang kwentang dahilan, hindi ko kailangang gawin ito para makilala ako, kundi ginawat ko ito upang ihayag sa bawat isa ang nararamdaman ng isang kabataang pinoy gaya ko.

Marahil OA para sa inyo ang aking sinasabi, ngunit ito lang ang tanging paraan upang mailabas ko ang aking saloobin at iba pang bagay-bagay sa aking paligid.

Malalim akong magsalita, sa madaling sabi, malalim akong magisip. Hindi ako tulad ng ibang manunulat, may paraan ako ng pagsulat ng aking naiisip. Hindi ko tinitingnan ang isang bagay sa kung ano ang tama at mali, kundi tinitingnan ko ito sa kung ano ang nakabubuti sakin. Lalong Hindi ako makata, nagkataon lang na malalim ang aking nais ipahatid.


Pangarap kong maging isang manunulat. Nais kong malathala ang aking pangalan sa pahayagan na sumusulat ng kung anu-anung may kabuluhan. Hinangad kong kumuha ng Journalism, subalit tumutol ang magaling kong ate.


Nais kung sumulat ng sumulat. Sumulat ng mga artikulong may kabuluhan. Artikulong tumatalakay sa sitwasyon ng kabataang pilipino.


Isang magandarang araw sa inyo muli. Salamat.

Isang simpleng pagpapakilala sa aking sarili


Isa akong baguhan. Sa blog lang ha. Nung una naubos ang dalawa't kalahating oras pag hahanap ng site kung san ba pwedeng gumawa ng isang simpleng blog. Buti nlang may ate kong internet adik. At sa awa ng dios, nasolusyunan ko ang aking walang kwentang problema.Una sa lahat, gusto ko mag pakilala, ako nga pala si Jhon Ray Hortelano Baco, nasa wastong gulang at kasalukuyang nag aaral sa kursong BS Business Administration sa Pamantasang Lungsod ng Pasay.



Ako si totosai sa mga kaibigan ko, janrey nman sa nanay at tatay ko. Tatlo kameng magkakapatid. Ang panganay ay 22 taong gulang na at ang isa ay 20. Ako nman ay 18.Madami akong gustong ikwento sa sarili ko. Subalit ako ay tinamaan nanaman ng katamaran.Siguro ay pagpapatuloy ko na lang ang aking pag papakilala sa mga susunod na araw. Nagkayayaan nanaman kc mag lan games eh. Hays, walang tigil, walang sawa, DOTA nanaman.Salamat sa pag basa at sanay tangkilikin nio ang aking simpleng blogspot.



Di lamang sarili ko ang makikilala nio dito, kundi pati na rin ang aking natatagong talento sa masining mag paggawa ng sanaysay, tula at nobela. Isang magandang araw sayo.